I was nominated for The Sunshine Blogger Award a couple of months back. Today’s the day when I finally get to sit down and answer some of the blogger world’s most pressing questions. (Charot, wala lang talaga ako magawa at gusto ko gumawa ng isang post for tonight.)


As usual, I’ll be skipping the rules and stuff ’cause that’s not fun but I’ll still be answering the questions. Thank you to my friends Jeff and Gypsea. ❤

1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?

Honestly, mas pipiliin ko yung maliit yung sahod pero walang stress. Kasi ngayon mataas yung stress level ko sa work pero katamtaman lang naman sweldo ko. Sa tingin ko at based din sa experience ko, mas ok na yung hindi ka masyadong stressed. Kasi yung ibang oras mo, pwede mo pa gamitin para sa mga passion projects mo or sa self-improvement or sa ibang pwedeng pagkakitaan. Saan mo pa magagamit yung pera mo eh kung sa sobrang stressed mo, gusto mo na lang humiga kapag weekend?

2. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?

Yung sagot ko talaga dito, eh hindi. Pero may mga kakilala kasi ako na may mga kalokohan at bilang may asawa, mas maganda na yung alam mo. Kasi ang pinakamasakit sa lahat eh yung lokohin ka. Buti na yung alam mo kesa gaguhin ka, diba?

3. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?

LOL. May friend akong ganyan. Hindi ko nasabi. Pero pinagkkwentuhan namin nung iba naming friends kasi siyempre gusto mo sabihin pero, paano?

4. Ano ang iyong kahinaan?

Nako, madami. Yung pamilya ko, unang una. Mga cute na bagay tulad ng stationary, washi tape, at kung anu anong cute na post-its. Isama mo din pala ang exercise at diet.

5. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?

Layuan ako. Pero kapag lumamig na yung ulo ko, pakisuyo ako kasi pabebe talaga ako. 😦

6. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

Ubusin yung 3/4 ng ipon ko para sa kasal. Hindi siya worth it, guys. Tigilan na natin yung klase ng mentality na kailangan magarbo ang kasal or yung may pre-nup kemerut pa or yung may magarbong reception pa.

7. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?

Maswerte ako hindi ko pa naranasan makipagbreak. Kaya hypothetical lang maisasagot ko. Mas masakit yung dahil sa third party dahil para sa akin, hindi ka lang niya niloko, hindi ka pa nirespeto. At least yung kapag hindi kayo tinadhana parang may mutual understanding pa… diba?

8. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?

Wala ako maisip ngayon. Libro, meron. Yung Dance, Dance, Dance ni Pareng Haruki Murakami. Nabasa ko kasi yun nung panahon kung kailan mamamatay na yung tatay ko. Napakaswak at napakaganda nung mensahe. Masakit man yung nangyari pero nung nabasa ko yun lumakas loob ko.

9. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?

Marami ako gusto sabihin at depende yun sa mood ko. Medyo napapadalas kasi panunuod ko ng mga YouTube videos ngayon lalo na dun sa mga influencer na iyan. Kaya ang gusto ko ibahagi for now ay maging mabuti kayong ehemplo sa mga tao. Kung meron kayong opinion na gusto ibahagi sa mundo, maging bukas sa isang conversation para maging produktibo ang iyong plataporma. Basta ganern, tumatanda na ata ako.

10. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?

Siyempre tatay ko. Totoo yung sinasabi nila na mapapahalagahan mo lang yung isang bagay kapag wala na at iyon yung nangyari sa tatay ko. Pagkamatay niya lang nakita ko yung mga ginagawa niya para sa amin. Hay buhay.

11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?

Lagi ko ginagawa kung ano yung gusto ko gawin para sigurado ako wala akong regrets. Pero minsan kapag naiisip ko yung panahon bago namatay ang tatay ko, minsan naiisip ko, sana pala mas madami akong ginawa para sa kanya. 😦

12. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?

Jeff, define legacy.

13. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?

Maging matalino sa pera at pagpahalagahan ang iyong pamilya.

14. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?

Bubuhayin ko muli ang tatay ko.

15. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?

Free will. Gumagawa tayo ng sandamakmak na desisyon araw araw. Ang kapalaran natin ay hawak natin.


11 Items on my Bucketlist

  1. Have a baby/babies?
  2. Get back to my normal weight.
  3. Explore Japan more.
  4. Explore Australia.
  5. Explore New Zealand.
  6. Have my own business. Earn from all my other passion projects.

Okay, that’s it. I’m really not big on making bucketlists. I feel like bucketlists change so often because we constantly grow and evolve. The only constant wants in my life is to have my own family and travel as much as I can, while I can.


I really miss blogging like this. I miss just typing out stuff that comes into my mind. I wish I had more time to do this. Life lately has just been full of struggles. I feel like I have a ton of things on my plate and the ones that I really want to be on it aren’t. Things will get better, I know. I just have to learn how to juggle all of my priorities.

I hope you’re having a fun day wherever in the world you are. ❤

Advertisements

About the Author Kat

To keep it short and simple: I'm twenty-nine years old. Still plenty young, but not as young as I used to be.

7 comments

  1. Wow, thanks Kat sa pagsagot. Gusto ko yung sagot mo sa #1. Same tayo ng opinyon. Heheh..

    Yung regarding naman sa #2, for me kahit pa alam nyo ang password ng FB ng bawat isa, hindi assurance yun para hindi ka maloko or maprevent sya para lokohin ka. Madali lang naman gumawa ng another FB account eh. Ika nga nila, pag gusto, may paraan. So kung gusto talaga magloko, wa epek si FB password..☺

    And yeah, things will get better sa buhay mo. Tiwala lang.. 🙂

    Liked by 2 people

  2. Yung sa no. 9, sinong mga Youtube influencers and pinapanuod mo? Suggestions please! Self-confessed YT watcher ako at gusto ko pa magdiscover ng marami. Hahaha. Yan yung fun activity ko lalo na sa weekend. Hay nako mixed emotions din ako pag dating sa influencers, gusto ko rin magsulat tungkol dito at naalala ko yung writeup mo about sa dilemma ni Cami Juan at iba pang influencers. Last naman, agree ako sa sinabi mo tungkol sa mga kasal. Ang gastos. Kahit mas konti gastos namin compared sa iba may regrets pa rin ako sa pagspend ng pera pero overall ok naman. Hehe yun lang. 🙂

    Liked by 2 people

    1. Gusto ko kasi yung mga relatable na vlogs lang favorite ko lately si ondo (working girl tapos YT on the side tapos nakakaaliw kasi no face vids), michellechoi, and lahat ng channels ni Mike Chen (Strictly Dumpling). Tntry ko talaga maglessen manuod ng mga influencers kasi feeling ko tumatanda na ako at ang dami ko nakikitang improvements pa sa mga stands nila as buhay na minsan nagtataka ako bakit sila nagsasalita about it now. Pero karapatan naman nila kaya ewan. Hehehehe napaka bagong industry kasi ng influencing kaya ang dami pa talagang dilemma no? Hehehe.. yan talaga payo ko sa mga magpapakasal, spend within your means or lesser. Kasi ang dami pa need gawin or bayaran after. Madali kasi ma-carry away, diba?

      Liked by 2 people

Thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s